Friday, December 12, 2008

Bakit nga ba?

Kung minsan bakit mas madali para sa ibang tao ang bigyan ng pansin at halaga ang taong hindi naman ganun ang pagtingin sa kanila...
at bakit mas mahirap ibigay ang parehong pagtingin sa taong lubos ang pagpapahalagang binibigay.
Naisasantabi ang mga taong andyan kapag kailangan mo..
ang mga taong lubos ang pagmamalasakit
ang mga taong palaging umuunawa
ang mga taong palaging nagbibigay
ang mga taong paulit ulit kang pinahahalagahan
kahit paulit ulit mo na lamang sinasaktan.
...ang pinakamasakit ay alam mong nakakasakit ka...ngunit pikit mata mo paring ginagawa.

Nakatingin ka sa punong nasa kabilang ilog...pero hindi mo man lang napansin ang punong nasa likod mo....
ang punong iyong sandalan kapag ika'y pagod
ang punong iyong sinisilungan kapag ang araw ay mataas
at ang langit ay umiiyak...
Pero ang mata mo ay patuloy na nangangarap na maakyat ang puno sa kabila
nangangarap na palaguin ito at tikman ang bunga
ngunit ni minsan...ang punong iyong abot kamay ay hindi mo man lang nagawang alagaan.
Mali bang maging mabait sa'yo?
Mali bang sundin ka at ibigay ang gusto mo?
Mali bang hindi ka saktan?
...kailangan bang lumayo...para masabing pinaghirapan?
kailangan ka din bang saktan?...para iyong pahalagahan?
ganon ba ang gusto mong pagkakaibigan?


....nakakapagod na lang kasi.

0 comments: