" Ok lang umiyak...hindi kabawasan sa matipuno mong pangangatawan"
Sabi ng isang kaibigan, "naaaliw nanaman ako kasi ikaw ang kausap ko...para kasing lahat pwedeng pag-usapan", habang sinasakyan ko ang mga "kagaguhan"....at habang tumatakbo sa kung saan saan ang usapan....Batid kong sa kabila ng pagpapanggap ng kasiyahan may nababalot na kalungkutan.
Ako'y isang kaibigan lamang...nan dito lang para sa isang kaibigan.
Alam kong mahirap ang kanyang pinagdadaanan...
Hindi madali..
Hindi madaling maging matapang at matibay sa kabila ng pagsubok sa buhay...
Lalo na kong batid mo sa sarili mong marami ka ring kahinaang patuloy na nilalagpasan.
Hindi madaling magpigil ng luha...lalo pa't ito'y pabagsak na.
Pero gaano man kahirap...gaano man kabigat kung minsan ay kakayanin mong pasanin para sa mga mahal sa buhay.
Sabi nga nya "wala akong karapatang sumuko"
Alam kong habang sinasabi nya ito...nasasaisip nya ang mga mahal sa buhay na kanyang pinahahalagahan...at ang isang pamilyang pilit na tinataguyod sa kabila ng mga pagsubok.
Madaling matawag na "tatay" pero hindi madaling "maging isang Ama"...
Ang kahinaan ay pilit mong lalagpasan kung ang kapalit nito'y kasiyahan at kapakanan ng mga taong iyong pinahahalagahan...at minamahal
Ngunit sa bandang huli...nananiwala akong lilingunin nya ang nalagpasan ng may pasasalamat.
Kaya mo yan...kapatid
Wednesday, November 26, 2008
Iyak ka lang
Posted by Lex Juris at 2:11 AM
Labels: Bond of friendship
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment