Thursday, March 6, 2008

antidote

...kung minsan hindi natin alam kung ano pa ang dahilan ng ating karamdaman ay iyon din ang kagalingan.
Sa mahabang panahon, inakalang naghilom na ang sugat ng nakaraan. Inakalang sa paglipas ng maraming panahon, ang mga karanasan, mga bagong paglalakbay at pakikipagtunggali sa buhay ay sapat na upang limutin ang pangit na nakalipas...iniisip na ito ay mababaw lamang upang kainin ang pagkatao...at sirain ang anumang pilit sinisimulan. Isinantabi ang anumang naramdaman habang sinasabi sa sarili na iyon ay lilimutin na lamang at bubuo ng bagong gagalawan. Sa gitna ng Paglimot at Pag-alaala, may ngiti, may lungkot, may tagumpay, may pag-asa at may pagbabago. Ang pangit na nakalipas ay isa nalamang tuldok. Maliit na tuldok. Ngunit ang panahon ay sadyang mapaglaro. Pilit nitong susundan ng isa pa muling istorya ang akala mong saradong kabanata. Ang pagsasantabi ay hindi isang paglimot. Na marahil ang tuldok ay isa palang kuwit at ang inakalang katapusan ay isang panimula pa lamang ng mas magandang kuwento.
...at ang sugat ay tuluyang naghilom...sa pagharap sa sanhi nito.
Ang sarili ay nakawala sa isang ...minsang pangit na panaginip....na ngayon ay isang magandang umaga.

0 comments: