Tuesday, December 23, 2008

Pasko

Dalawang tulog nalang at pasko na. Hindi tulad ng bata ka pa highlighted ang pasko. Bagong damit, sapatos at maraming regalo. Isang pinakamasayang araw sa buong taon. Pero ganun ba talaga kapag tumatanda na? parang isang araw nalang ito na lilipas din. Magastos. Malungkot kung walang panggastos.
Life is harder now adays...I guess hindi lang ang mahihirap ang nakakaranas ng kahirapan. With the credit crunch and global crisis...kahit mayayaman, matatatag na kumpanya ay apektado. At kung mamalasmalasin ang ilan sa atin ay walang trabaho.
Kung minsan nakakakunsyensyang magreklamo na pagod ka sa trabaho...pero ang totoo yung ibang tao nagdadasal magkaroon kahit gaano kahirap.
There are even some who would take the risk just for a 50 or 100 bucks. Yes, may mga trabahong ganun lang ang kikitain matapos tumawid ng ilang lalawigan...matapos mong magbababad sa maduming tubig at maghanap ng mga magnet o bumiga ng espongha makuha lang ang mga naiwang langis ng barko o de-motor na bangka. Kung tutuusin sa ilan, pang-kape lang yun...pero sa karamihan dugo't pawis ang katapat noon para lang may makain sa hapag-kainan. Kung tayo ay mahilig magtira ng pagkain o magtapon ...may ibang naghahanap ng pagkain sa basura. May ibang minabuting itulog nalang ng sa gayun ay malimutan ng utak ang daing ng sikmura.
Totoong hindi naman kasalanan ng ilang ang kinahinatnan ng iba...masasabi ko din na ang ibang tao kung san man sila ngayon ay dahil pinaghirapan nila ang kung anung meron sila.
Masuwerte ang ilan. Pero sana kung isa ka sa masusuwerte na yun...sana hindi ka maging sidlihan nalamang ng biyaya...bagkus ay daluyan para maibahagi ito sa ilan.
...kahit man lang maliit na paraan.

0 comments: