Monday, December 1, 2008

Disconnected




When I signed in this afternoon I received a PM from Bj, my friend, saying "ANONG NANGYARI SAYO?"( yes in a capslock). He said that I haven't replied on his text messages. He texted me last Sat and Sun but I didn't make even a single reply. He further asked if I attended the class last Sat and Sun (I haven't seen my friend since last week). He said he's just worried coz I wasn't answering...
Bigla ko naman namiss ang ever dearest friend ko.
Sabi nila "version version" kaming dalawa...sa ayaw at sa gusto namin.
"He is my male version. I am his female version".
Though we hate it to admit...sometimes kahit kami natatawa at nagugulat nalang.
I remember one time, while caught in a traffic, out of the blue pareho kaming kumanta ng parehong lumang kanta...at pareho pa ng umpisa..parang alanganing gitna langaning chorus yung bigla nalang namin kinanta and sobrang natawa pati yung friend namin who was riding at the backseat.
Maraming beses pareho kami ng binibitawang salita...at sasabihin pa namin yan ng sabay na sabay.
Alam na alam namin kung pano galitin ang isa't isa. Alam na alam din kung pano uutuin (hehehe), basahin kung galit o nagiinarte lang ang isa't isa at marami pang iba.
Sinong hindi makakaalala sa Top Grill Scandal hehehe as in SCANDALo ng nabasag ang katahimikan ng lugar dahil sa sigawang naganap dahil sa "P*****a-thing". Un na ang una't huling punta ko dun. And after that also nobody (in our group) attempted to go there.
It's a blessing in disguise that he lose in the election the year after, otherwise hindi pa kami magbabati..hehehe
"What else is new?" sabi nga nila, kapag magkaaway kami.
Sabi nga nya tatlong tao lang daw ang nakakapagpainit ng ulo nya; Ron (our dear friend Ron), Bart (his childhood friend..the brown eyed Bart) and ako na daw ang panghuli.
Kung madalas man syang magwalk-out...malamang may nasabi or nagawa akong mali.
Ganun na din yun kapag bigla akong nagwalk-out.
In short pareho kaming madrama....frustrated artista--siya hehehe
Siya naman ang kaisaisang lalaking nagpapaiyak sa akin ng matindi...dahil sa sobrang inis at galit/tampo.
Months ata bago kami magbati.
First time kung madelete sa friendster...hehehe
Ako naman walang kasawa sawang i-block at i-delete sya sa phonebook ko at email list....but eventually binabalik din naman.
In short pareho kaming delete ng delete.
Mas mapride nga lang ang friend kong ito...kahit makipagbati ka na at kahit kausapin pa ng kung sino sino kapag ayaw...ayaw nya!
Every time nagkakabati kami binabawian ko nlang nang mga favorites nya...na never naman nyang shinare! i,e. fresh pastillas, chocolates! ang nakakainis nun pareho nga kami ng favorites...
In fairness, never naman syang nagstart ng away. Maarte lang talaga ako at matampuhin. (pero mas maarte sya!) and what's good about him he knows when to say sorry...at kung pano nya kunin ang loob mo.
Kung hindi kami magkaaway, basta magkasama kami...sure yan may kakaibang pangyayari.
Jinx daw ako sa buhay nya (siya din naman sa akin).
Hindi ko makakalimutan yung nabuhos sa kanya ang mainit na kape habang magkausap kami at nagdidrive sya.
Hindi ko makakalimutan na bababa nalang ako nabunggo pa kami.
At iba iba pang kapahamakan...
Kahit marami kaming similarities...marami din naman kaming pagkakaiba...siguro mas madami lang ang pareho.
Sabi nya bawas bawasan ko daw ang pagiging sweet...nakakaumay.
Hindi kasi sya yung tipo ng taong expressive. Aminado sya dun.
Ayaw na ayaw nya ang touchy!
Naaalibadbaran hehehe
Pero ok lang kung sya ang touchy or maglalambing...unfair di ba?
Pareho kaming nega basta may nalilink sa mga kaibigan...so unfortunately naapply nya sa akin yun.
Parang pakiramdam ko wala akong taste. Lahat na ata ng may connection sa akin nilait nya...especially yung taong gustong gusto ko (dati hehehe) ...mahihirapan kang pintasan yung tao kasi halos nasa kanya na lahat-lahat...pero nalalait pa din. At hindi na bago kapag nagkwento ako at pagkatapos nun ay may kasunod na pintas. Pero kapag alam nyang ayaw ko...kulang nalang ipagsiksikan nya (makapang-asar lang).
Kahit naman ako madalas nyang laitin...
Minsan lang sya nag advice regarding sa mga ganung bagay...pero yung minsan na yun forever ko nang hindi makakalimutan buong buhay ko...and it speaks so much kung gano nya ako pinahalagahan at gano ang value nya sa akin bilang kaibigan...bilang tao...bilang babae.
Kahit madalas pakiramdam ko he doesn't care...pakiramdam ko lang yun. I know he's one of the few people who genuinely cares for me...just that he is not that expressive. But action speaks louder than words...so okay na din. I am so blessed to have him in my life. To have a friend like bij.
Si bij ang isa sa mga taong pagkakatiwalaan mo. Isa sya siguro sa mga unang taong kokontakin ko in case of emergency...coz I know bukod sa reliable sya...gagawa talaga sya ng paraan.
Isa sya sa mga taong kahit pilit mong i-try to let go...hindi mo magagawa. Sabi nga sa isang pelikula..."You'll never make it!"
Mahirap mang iadmit...pero magiging malaking kawalan sya sa life ko.
Natutuwa ako kasi siguro as we mature...as our friendship grows and we became open to each other. May mga bagay na di kayang sabihin noon na kaya na ngayon...
Mga bagay na kapag sinabi hindi magiging dahilan para masira ang pagtingin sa isa't isa
bagkus...makapagpatibay ng tiwala, samahan at pagkakaibigan.
Kung anu man ang feelings ko for him...he knows that and he is aware of that.
Kung anu mang tanong na mayroon ang mga kaibigan namin lahat yun nasasagot naman.
Im happy about how the friendship grows...
I know lahat naman ng bagay may katapusan....lahat ng bagay at tao nawawala
But I also believe that there are things in this life that remain.
Kung anu man ang mawawala at anu man hindi...it's not for me to worry about.
It's better to enjoy each day...and capture the moments...and be thankful everyday for the blessings...including friends like him.
Marami pa kong gustong sabahin about sa friend kong ito...but i'm just reserving everything...


0 comments: